-- Advertisements --

Nagdiwang ng kakaibang pasko si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Sa kaniyang Instagram, nagpost ito ng larawan na kasama ang mga bata mula sa Bright Halls Inc. sa lungsod ng Makati.

Sinabi nito na may special na lugar sa kaniyang puso ang mga bata.

Karamihan aniya sa mga bata sa nasabing lugar ay yung inabandona sa pagamutan, haban ang iba ay iniwan sa basurahan at public comfort rooms.