-- Advertisements --

Itinanggi ng actress na si Rabiya Mateo ang akusasyon na nakakuha ito ng libreng tickets at nasa VIP section ng manood sila ang concert ni South Korean singer-actress na si IU.

Kasama nitong nanood ang nobyong si Jeric Gonzales kung saan makikita sa kanilang social media post ang masayang panonood nila.

Ikinalungkot lamang nila dahil sa may mga bashers ang nag-akusa na sila ay nag-demand na ipuwesto sa VIP section.

Itinanggi naman ng Miss Universe Philippines 2020 ang alegasyon kung saan may tickets sila at sila ay pinapasok ng kusa.