-- Advertisements --

ILOILO CITY – Dadating na ngayong araw sa lungsod ng Iloilo si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Ito ay ang pre-birthday celebration ng Ilongga beauty queen kung saan magdiriwang siya ng kanyang 24th birthday sa Sabado, November 14.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Jobert Peñaflorida, presidente ng Iloilo Festivals Foundation, Incorporated, sinabi nito na all set na ang homecoming ni Rabiya kung saan 10:30 ng umaga ito dadating.

Ayon sa kanya, magsasagawa ng motorcade ang 5’7 Ilongga beauty sa lungsod.

Samantala, ipinakita naman ng vlogger na si Adam Genato ang oyster white gown na susuotin ni Rabiya sa kanyang homecoming.

Ito ay tinahi ng Ilonggo designer na si JunG Candelario na siyang nagtahi din ng red winning gown ni Rabiya sa coronation ng Miss Universe Philippines.