-- Advertisements --

Ibinunyag ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na ito ay nabiktima ng investment scams.

Sinabi nito na hinikayat siya ng kaniyang kakilala na ipasok sa isang investment ang kaniyang pera.

Sa unang mga linggo ay naging maganda ang transaksyon subalit hindi nagtagal ay nagkaroon na ito ng problema.

Sa loob ng dalawang taon ay umabot sa mahigit P1-milyon ang nawala sa kaniya.

Sa ngayon ay itinuturin na aral na lamang sa kaniya ang pangyayari kung saan iniingatan niyang mabuti ang pera na kaniyang pinaghirapan.