-- Advertisements --

ILOILO CITY – May napili na si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na ipapangalan sa kanyang signature walk.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Ram Silva, Ilonggo designer at matalik na kaibigan ni Rabiya, sinabi nito na “Arriba” ang napiling ipangalan ng Ilongga beauty queen sa kanyang rampa.

Ang arriba ay katagang espanyol na nangangahulugang pasiglahin.

Ayon kay Silva, madalas na gamitin ng 24-anyos na Ilongga beauty queen ang katagang arriba bilang pagpapakita ng pagiging masigla at angat sa iba.

Napag-alaman na si Silva ay nagdesinyo ng outfit sa close door interview ni Rabiya.