-- Advertisements --

Pinagkaguluhan ng mga Filipino sa Miami ang pambato ng bansa sa Miss Universe na si Rabiya Mateo kahit hindi nito nakuha ang titulo.

Ibinahagi ng Ilongga beauty queen na nag-organisa ng kainan ang Filipino community sa Miami at doon siya pinagkaguluhan.

Sinabi pa nito na para na rin siyang nagwagi dahil sa init na pagtanggap sa kaniya ng kababayan.

Magugunitang hanggang Top 21 lamang ang inabot ni Rabiya sa katatapos na Miss Universe pageant na ginanap sa Florida.