Bagama’t mayroon pang “ibubuga,” pansamantalang magpapahinga sa mundo ng malalaking beauty pageant si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.
Pahayag ito ng 24-year-old half Indian beauty mula Iloilo sa pagharap sa pormal na homecoming event kahapon, kung saan kakatapos lamang nito sa kanyang 10 araw na quarantine.
Payo naman nito para sa sunod na magiging kinatawan ng bansa sa Miss Universe, na hangga’t maaari ay piliin na mag-deactivate ng social media upang makapag-focus sa pagiging totoo sa sarili,
“And ngayon, tapos na tayo sa competition and marami pa rin pong opportunities ‘yung papasok sa atin sa taon na ito,” saad pa ni Mateo.
“The pressure from the fans is something that is going to be a reflection of your performance. So sometimes it’s better to block yourself and to maintain that inner peace.”
Wala pa namang nabanggit si Rabiya hinggil sa naging paghahanap nito sa Indian na ama noong magbakasyon muna sa Amerika matapos ang Miss Universe coronation kung saan siya ay hanggang sa Top 21 lamang.
Hindi rin natukoy kung kailan ito uuwi sa hometown sa Iloilo kung saan naroon ang kanyang nakahiwalayang long time non-showbiz boyfriend.