-- Advertisements --

Naniniwala si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na makikilala pa rin ang kanyang Indian na ama pagdating ng tamang panahon.

Pahayag ito ni Rabiya kasunod ng pag-amin na tumigil na siya sa paghahanap sa kanyang biological father, kahit pa ito ang isa sa kanyang target pagkatapos ng bigong Miss Universe journey.

Ayon sa first ever Miss Universe Philippines sa hiwalay na franchise, nilibot na nito ang Chicago sa Amerika kung saan nagtatrabaho bilang doktor ang ama na kanyang huling nakapiling noong limang taong gulang pa lamang siya.

Gayunman, posibleng may bago nang pamilya at hindi pa ito handa na makipagkita sa kanya kahit pa laman siya ng mga balita kaya hindi muna ipipilit ang pangarap.

“I’m also not closing any doors yet kasi if it’s meant to be, it’s gonna happen. Deep down in my heart I will never exist in this world if not for him. And regardless of the issue in the past, kahit sinabi na nila na: Your dad left you. Your dad abandoned you, sabi ko he’s still my dad,” wika nito sa pep.

Sa ngayon ay usap-usapan ang sexy image ng 25-year-old Ilongga beauty sa pagpasok sa show business kung saan isa sa katambal nito ay si Bong Revilla Jr.

Game rin si Rabiya sa daring photoshoots at dance moves, bagay na umaani ng hating reaksyon sa fans.

At matapos ang breakup nila ng longtime boyfriend, nali-link naman siya sa aktor na si Jeric Gonzales matapos kumalat ang sweet pictures nila habang nasa amusement park sa Laguna.