-- Advertisements --
Ikinasal na ang dating beauty queen na si Rachel Peters sa nobyong si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.
Sinabi nito na isinagawa ang civil wedding ceremony sa Korte Suprema.
Sa kaniyang Instagram ay nagpost ito ng larawan nilang dalawa habang nasa loob ng Korte Suprema.
Suot nito ang gown na gawa ng kaniyang stylist na si Just Bonita.
Mahigit pitong taon ng magkasintahan ang dalawa at noong Nobyembre 2019 ng sila ay ma-engaged hanggang ipinagpaliban ang kasal noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic.