Umani ng batikos ang racist attack ni US President Donald laban sa mga progessive Democratic congresswomen.
Bagamat hindi niya pinangalanan ay marami ang nagsabi na ang tinutukoy nito ay si New York Rep. Alexandria Ocasio-Cortez, Rashida Tlaib ng Michigan, Ilhan Oman ng Minnesota at Ayanna Pressley ng Massachusetts.
Sa kaniyang tweet sinabi ng US President na ang bumabatikos sa kaniya ay hindi-natural born American citizens at nararapat na sila ay bumalik sa kanilang bansa.
Ang nabanggit kasi ng mga mambabatas ay bumabatikos sa ipinapatupad na immigration policy ni Trump.
Umalma naman ang mga Democrats ang pahayag ni Trump.
Sinabi ni New York Sen. Kirsten Gillibrand na malinaw na racist ang ginawa ni Trump dahil bumabase ito sa kulay at cultural heritage ng isang tao.