-- Advertisements --
francis patindol
IMAGE | Francis Patindol/Facebook

BUTUAN CITY – Patuloy na tinutugis ng mga otorida ang suspek na pumatay sa isang radio commentator nitong araw sa Butuan City.

Kinilala ang komentaristang si Francis Patindol ng DXJM.

Batay sa ulat, nagkasagutan si Patindol at isang dispatcher na si Ulating “Ola Saransamen” Barapangcat na nagresulta ng pagkakasaksak nito sa biktima.

Naisugod pa raw pagamutan si Patindol ngunit namatay rin habang ginagamot.

Agad namang tumakas ang salarin matapos ang krimen.