-- Advertisements --

Patay matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek ang isang radio reporter sa Dumaguete City nitong Martes ng gabi.

Rex Cornelio
Rex Cornelio/ PNP Dumaguete FB image

Kinilala ng biktimang si Cornelio Pepino, 48, at radio reporter ng DYMD Energy FM.

Base sa imbestigasyon ng mga kapulisan, lulan ang biktima ng kaniyang motorsiklo at angkas ang misis nito nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng nasabing pamamaril.

Isa lamang si Pepino sa ilang mamamahayag na nasawi matapos na pagbabarilin.

Noong Mayo 1, 2018 ay pinagbabaril din hanggang mapatay ang broadcaster na si Edmund Sestoso sa Barangay Daro habang noong Nobyembre 7, 2019 ay napatay din sa pamamaril ang radio broadcaster na si Dindo Generoso sa Brgy. Piapi sa nasabing lungsod.

dumaguete siquijor negros