-- Advertisements --
Nakatakdang ilabas ng bahista ng bandang Radiohead na si Colin Greenwood ang mga larawan na kaniyang personal na kinuha.
Ang nasabing collections na tinawag na “How to Disappear: A Portrait of Radiohead”.
Ang nasabing titulo ay isang titulo ng kanta nila ng ikaapat na studio album nila noong 2000 na “Kid A”.
Sinabi nito na ang paghawak ng camera at pagkuha ng mga larawan ay isang uri ng pagtago sa likod habang abala ang mga nasa harap.
Ang mga larawan ay kuha mula sa iba’t-ibang uri ng film cameras.
Bilang isang nasa banda ay may tsansa ito ng makakuha ng mga kakaibang larawan lalo sa mga lugar na kanilang pinupuntahan.
Ilan sa mga kantang pinasikat ng grupo ay ang “Creep”, “High and Dry” at maraming iba pa.