-- Advertisements --
Pasok na sa quarterfinals ng Korea Open si dating US Open champion Emma Raducanu.
Tinalo kasi ni ito si 396th ranked Yanina Wickmayer ng Belgium sa score na 6-3, 7-5.
Sa simula ng laro ay naging mabagal ang British tennis player hanggang makabangon ito sa kalagitnaan na ng unang round at hindi na pinalamang ang manlalaro ng Belgium.
Susunod na makakaharap nito si third seed Magda Linette ng Poland.