-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng Transylvania Open sa Romania si British tennis star Emma Raducanu.

Tinalo kasi nito si Romanian player Ana Bogdan sa score na 6-3, 6-4.

Sinabi ng 18-anyos na si Raducanu na naging insipirasyon niya ang panonood ng kaniya ama na si Ian na tubong Romania.

Noong nakaraang mga laro niya sa US Open ay hindi nakapanood ang ama dahil sa mahigpit na ipinapatupad na travel restrictions bunsod ng COVID-19.

Susunod na makakaharap nito si Marta Kostyuk ng Ukraine.