-- Advertisements --
Nabigo si Spanish tennis star Rafael Nadal sa huling professional match nito sa Davis Cup.
Tinalo siya ni Botic van de Zandschulp mula sa Netherlands sa score na 6-4, 6-4.
Ang 38-anyos na si Nadal ay nag-anunsiyo na siya ay magreretiro kapag natapos na ang Davis Cup.
Ito lamang ang kaniyang pang-24 match mula ng magsimula ang 2023 matapos ang halos isang taon na hindi paglalaro dahil sa hip injury.
Sinamantala ni Van de Zandschulp ang double fault at double unforced errors ni Nadal.
Kailangan na lamang manalo si Carlos Alcaraz para mabuhay ang tsansa ng Spain sa torneo.
Walong bansa ngayon ang naglalaban-laban kasi sa Davis Cup sa Malaga, Spain at ang finals ay gaganapin sa araw ng Linggo.