Handa raw ang railway lines na palawigin ang kanilan mga biyahe dahil sa pagsisimula ng transport strike ngayong araw ng ilang grupo ng drivers at operators ng public utility jeepneys (PUJs) para maibsan ng ang epekto ng public commuters.
Sinabi ni Undersecretary for Railways Cesar B. Chavez na ang railway lines na kabilang sa handang mag-extend ay ang Philippine National Railways (PNR), Metro Rail Transit-3 (MRT-3) at Light Rail Transit Lines 1 at 2.
Magdadagdag din ng biyahe mula Tutuban Station at palalawigin ang kanilang mga biyahe hanggang alas-8:46 ng gabi mula sa alas-7:46 ng gabi.
Sinabi ni Chavez, ang MRT-3 ay handang palawigin ang kanilang biyahe sa North Avenue Station hanggang alas-10:00 ng gabi mula sa dating alas-9:30 ng gabi at sa Taft Avenue Station alas-10:41 ng gabi mula sa dating alas-10:11 ng gabi.
Tiniyak naman ni Light Rail Manila Corporation (LRMC) Spokesperson Jacqueline Gorospe sa DOTr sa pamamagitan ni Chavez na handa ang service at manpower availability ng LRT-1.
Ang regular na biyahe ng LRT-2 mula Recto Station ay hanggang alas-9:30 ng gabi pero kapag napalawig ang biyahe ay magiging alas-10:00 ang huling biyahe.