-- Advertisements --

Naitabla ng Rain or Shine sa 1-1 ang best of three quarterfinals game nila ng Converge FiberXers 114-104 sa PBA 49th Season Commissioner’s Cup sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Bumida sa panalo ng Rain or Shine si Adrian Nocum na nagtala ng 28 points ganun din si Deon Thompson na mayroon ding 28 points, 18 rebounds at dalawang blocks.

Sinabi ni Rain or Shine coach Yeng Guiao na naging maganda ang depensa nila dahil sa hindi gaanong nakapagtala ng mataas na puntos ang ilang mga pangunahing manlalaro ng FiberXers.

Paghahandaan nilang mabuti ang araw ng Linggo na itinuturing na do-or-die game.

Nasayang naman ang nagawang 29 points ni Jordan Heading at 20 points ni Alec Stocton.