-- Advertisements --

Sinimulan ng Rain or Shine Elasto Painters sa panalo ang unang pagsabak nila sa 49th season ng PBA Governors’ Cup.

Ito ay matapos na talunin nila ang Blackwater Bossings 110-97 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Bumida sa panalo ng Painters si Aaron Fuller na nagtala ng 24 points, 19 rebounds, dalawang assists, isang steal at block.

Nagtala rin ng 15 points, limang rebounds at dalawang assists ang rookie na si Caelan Tiongson habang si Santi Santillan ay mayroong 12 pints at ang isa pang rookie na si Felix Lemetti ay nagtala ng 11 points.

Mula sa simula ay hawak ng Painters ang kalamangan kung saan umabot pa sa 21 points ang kalamangan nila sa third quarter hanggang pinilit na habulin ito ng Blackwater.

Nasayang naman ang nagawang 18 points ni Sedrick Barefield at 17 points ni James Kwekuteye para sa Bossings.