-- Advertisements --

Naagaw ng Rain or Shine Elasto Painters mula sa San Miguel Beermen ang pangunguna sa puwesto ng Group B ng PBA Governor’s Cup.

Ito ay matapos na talunin ng Rain or Shine ang Beermen 122-112 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Mayroon ng pitong panalo at dalawang talo ang Painters habang ang Beermen ay mayroong anim na panalo at tatlong talo.

Bumida sa panalo ng Rain or Shine si Andrei Caracut na nagtala ng 20 points, walong assists at tatlong rebounds habang mayroong 16 points, limang assists, apat na rebounds at isang block si Beau Belga at ang import na si Aaron Fuller ay mayroong 17 points, 11 rebounds, apat na assists at dalawang blocks.

Sa panig ng Beermen ay mayroong 27 points si CJ Perez at 24 points naman si Terrence Romeo habang nasayang din ang nagawang 14 points, 12 rebounds , dalawang assists ni June Mar Fajardo at 24 points ni import Jordan Adams.