-- Advertisements --

Napalawig pa sa limang ang magkakasunod na panalo ng Rain or Shine.

Ito ay matapos na talunin nila ang NorthPort 115-105 sa nagpapatuloy na 48th Season ng Philippine Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Nanguna sa panalo si Beau Belga na nagtala ng 28 points, 13 rebounds at pitong assists.

Nagdagdag naman ng 17 points si Jhonard Clarito habang mayroong 16 points si Adrian Nocum.

Mayroon ng limang panalo at apat na talo ang Painters na katabla nil aang San Miguel Beermen, NLEX at Barangay Ginebra habang ang Batang Pier ay mayroong apat na panalo at apat na talo.