-- Advertisements --

Nalusutan ng Rain or Shine Elasto Painters ang San Miguel Beermen 87-83 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup na ginanap sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City, Pampanga.

Naging susi sa panalo ang ginawang three-point ni Rey Nambatac sa natitirang 12 seconds ng laro.

Mula pa sa simula ay humahabol na ang Beermen kung hanggang isang puntos na lamang ang kalamangan ng Rain or Shine 82-81.

Lubos ang kasiyahan ni Rain or Shine coach Caloy Garcia sa ginawa ni Nambatac.

Nagtala ng 25 points si Javee Mocon habang mayroong 15 points si Kris Rosales at 12 points si Beau Belga.

Nasayang naman ang nagawang 20 points ni Marcio Lassiter, 18 points ni Alex Cabagnot at 17 points, 11 rebounds ni Moala Tautuaa.