-- Advertisements --
Naitala ng Rain or Shine ang kanilang ika-apat na sunod na panalo matapos nilang ilampaso ang Terrafirma 124-112 sa nagpapatuloy na 49th PBA Commissioner’s Cup.
Nanguna sa panalo ng Rain or Shine ang import na si Deon Thompson na nagtala ng 23 points habang mayroong 21 points si Adrian Nocum.
Labis naman na nasiyahan si Elasto Painters head coach Yeng Guiao dahil sa hindi nasira ang kanilang mood para sa Christmas dinner.
Nasayang naman ang nagawang 26 points ni Brandon Edwards 21 points ni Ian Sangalan kung saan ang Dyip ay wala pang panalo sa pitong laro.