-- Advertisements --
Nakuha ng Rain or Shine Elasto Painters ang kanilang ikalimang sunod na panalo sa PBA 49th Commissioners’ Cup.
Ito ay matapos talunin nila ang Blackwater 122-106 sa laro na ginanap sa Philsport Arena sa lungsod ng Pasig.
Inamin ni Rain or Shine head coach Yeng Guiao na sa unang quarter ay bahagyang nahirapan sila subalit hindi ito nadismaya sa kaniyang mga manlalaro.
Ikinatuwa nito ang panalo dahil sa ito ang unang panalo nila ngayong taon kung saan naging sulit ang kanilang ginawang ensayo noong bakasyon.
Nanguna sa panalo ng Rain or Shine si Deon Thompson na nagtala ng 25 points habang mayroon 22 points si Adrian Nocum habang 20 points naman ang nagawa ni Santi Santillan.