Pinahiya ng Rain or Shine Elasto Painters ang Magnolia Hotshots 102-100 sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Commmissioner’s Cup.
Ito na ang pangatlong panalo ng koponan sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa lungsod ng Maynila.
Nanguna sa panalo si Deon Thompson na nagtala ng 18 points, 15 rebounds, tatlong blocks at tatlong steals habang mayroong 17 points si Santi Santilla, 15 points, tatlong assists at dalawang rebounds si Andrei Caracut.
Sa third quarter ay hawak pa ng Painters ang 13 puntos na kalamangan hanggang na napababa ito ng Magnolia 81-78.
Nabagligtad pa ng Magnolia ang kalamangan 98-86 hanggang ito ay mahabol ng E-painters.
Nasayang naman ang nagawang 27 points ni Ricardo Ratliffe habang mayroong 21 points ni Ian Sangalang at 18 points ni Mark Barroca.