-- Advertisements --

Nalusutan ng Rain or Shine ang Magnolia Hotshots 109-105 para makuha ang unang panalo ng PBA Governors’ Cup quarterfinals.

Nagtala ng 18-5 run ang Elasto Painters sa huling anim na minuto para mabura ang 91-100 na deficit at maitala ang come-from behind na panalo.

Nanguna sa panalo ng Rain or Shine si Aaron Fuller na nagtala ng 24 points habang mayroong 20 points si Jhonard Clarito.

Ikinatuwa naman ni Rain or Shine Elasto Painters coach Yeng Guiao ang panalo kung saan naging sulit ang ginawa nilang pagdepensa laban sa Magnolia.