-- Advertisements --

Napigilan ng Rain or Shine ang TNT Tropang Giga 110-109 para maiwasan ang 0-3 na bentahe sa nagpapatuloy na PBA Governors Cup.

Dahil sa panalo ay mayroong isang panalo na ang Rain or Shine habang mayroong dalawang panalo na ang TNT sa best of seven semifinals sa laro na ginanap sa Dasmarinas City Arena.

Naging susi sa panalo ng Elasto Painters si Aaron Fuller na nagtala ng 26 points at 15 rebounds.

Habang mayroong 20 points si Leonard Santillan, 15 points ang naidagdag ni Jhonard Clarito habang ang mga rookie na sina Felix Lemitti ay mayroong 11 points at 10 points naman si Adrian Nocum.

Ikinatuwa ng Rain or Shine coach Yeng Guiao ang pagsisikap ng kaniyang manlalaro dahil ayaw nilang ma-sweep na nangyari noong nakaraang semis ng isweep sila ng San Miguel Beermen.

Nasayang naman ang nagawang 27 points ni Poy Erram at 23 points ni Rondae Hollis-Jefferson para sa TNT.