-- Advertisements --

Nananatiling wala pang talo ang Rain or Shine Elasto Painters sa nagpapatuloy na PBA Governors Cup 49 season.

Ito ay matapos na talunin nila ang NLEX Road Warriors 124-105 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila.

Bumida sa panalo ng Painters si Jhonard Clarito na nagtala ng 24 points, limang assists at tatlong rebounds.

Nag-ambag naman ng 22 points at anim na rebounds si Gian Mamuyac habang mayroong 21 points, 20 rebound si Aaron Fuller para makuha ng Painters ang tatlong sunod na panalo.

Nasayang naman ang nagawang 22 points, pitong rebounds at apat na assists ni Robert Bollick kung saan mayroong dalawang panalo at isang talo na ang NLEX.