-- Advertisements --

Nananatiling wala pa ring talo ang Rain or Shine Elasto Painters sa nagpapatuloy na PBA 49th Season Governors’ Cup.

Ito ay matapos na talunin nila ang Phoenix 116-99 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Bumida sa panalo si Adrian Nocum na nagtala ng 21 points para makuha ang apat na panalo at wala pang talo habang si Aaron Fuller ay mayroong 28 points.

Dahil dito ay solo nila ang puwesto na wala pang talo sa Group B kung saan ang Phoenix ay wala pang panalo sa tatlong mga laban.

Sa simula kasi ay hawak ng Phoenix ang kalamangan hanggang nakontrol na rin ito ng Rain or Shine.

Inamin ni Rain or Shine coach Yeng Guiao na hindi basta-basta ang ipinamalas na laro ng Phoenix.