-- Advertisements --

Nakuha ng Rain or Shine ang pang-anim na puwesto para tuluyang makapasok sa playoffs ng PBA 49th Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos na malusutan ang TNT 106-96 sa laro na ginanap sa PhilSports Arena sa lungsod ng Pasig.

Sinabi ni Rain or Shine head coach Yeng Guiao na ang pinakamalaking panalo nila para tuluyang ma-eliminate.

Nanguna sa panalo ng Elasto Painters ang import na si Deon Thompson na mayroong 22 points at 16 rebounds, habang mayroong 21 points si Anton Asistio at 20 points si Santi Santillan.

Makakaharap ng Rain or Shine ang number 3 na Converge sa race-to-two quarterfinals.

Habang ang TNT ay makakaharap ang Hong Kong Eastern sa unang round ng knockout stages.