-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ang Rain or Shine Elasto Painters matapos talunin sa overtime ang NLEX 123-114 sa nagpapatuloy na PBA Governors Cup laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Ito na ang pang-anim na panalo ng Elasto Painters sa loob ng walong laro.

Ayon kay Rain or Shine coach Yeng Guiao na hindi niya lubos akalain na magwawagi sila dahil sa matinding laro ang ipinakita ng NLEX.

Isa umanong magandang pagsubok ang nasabing laro at natututuna nila kung paano maisara ang laro.

Nanguna sa panalo ng Elasto Painters si Aaron Fuller na mayroong 23 points at 25 rebounds habang si Anton Asistio ay mayroong 25 points.