-- Advertisements --
Pasok na sa semifinals ang Rain or Shine matapos na tuluyang ilampasok ang Converge 112-103 sa do-or-die Game three quartefinals ng PBA 49th Season Commissioner’s Cup.
Nanguna sa panalo ng Elasto Painters si Deon Thompson na nagtala ng 34 points, 17 rebounds , dalawang steals at tatlong blocks.
Labis naman ang kasiyahan ngayon ni Rain or Shine head coach Yeng Guiao dahil sa pagpasok nila sa semifinals ng magkasunod na season.
Makakaharap nila sa semifinals ang number 2 na TNT Tropang Giga na maituturing na rematch noong 2024 Governor’s Cup.
Nasayang naman ang nagawang 22 points, anim na rebounds ni Alec Stocton habang mayroong 19 points, 13 rebounds at dalawang blocks si Cheick Diallo at 16 points, siyam na rebounds ni Justine Baltazar.