-- Advertisements --

Naiwasan ng Rain or Shine na madagdagan pa ang pangalawang sunod na pagkatalo sa nagpapatuloy na 2021 PBA Philippine Cup.

Ito ay matapos talunin ang Magnolia 75-72.

Naging dikitan ang laban sa last quarter ng laro hanggang magtulungan sina rookie Santi Santillan at Beau Belga para makuha ang five-point lead 72-68 sa natitirang 1:42 minutes.

Naibaba sa dalawa 72-70 ni Ian Sangalang ang kalamangan ng Painters hanggang makapasok ang jumper ni Norbert Torres 74-70 sa natitirang 1:09 minuto sa laro.

Bumida sa panalo ng Rain or Shine si Javee Mocon na na mayroong all-time high na 19 points, walong rebounds at tatlong steals habang mayroong tig-14 points sina James Yap at Santillan ng Magnolia.

Aminado si Painters head coach Chris Gavina na naging matindi ang laban na ipinamalas ng Magnolia.

Dahil sa panalo ay mayroon ng limang panalo at apat na talo ang Elasto Painters habang ang Hotshots ay mayroong anim na panalo at tatlong talo.