-- Advertisements --
Davao pride lane LGBTQ
Davao pride lane

DAVAO CITY – Ipinababalik ng Department of Public Works ang Highways (DPWH) Region 11 ang orihinal na kulay ng isang pedestrian lane sa lungsod na pinintahan ng LGBT (lesbian gay bisexual transgender) community ng rainbow color.

Inihayag ni Dean Ortiz, ang tagapagsalita ng DPWH-11, isang paglabag sa standard rules and regulations ng international road signs ang naturang pagpintura ng LGBT community sa pedestrian lane sa Barangay Lapu-lapu, Agdao district, na tinawag pa nilang “Pride Lane.”

Nauna na ring kinuwestyon ng City Transport and Traffic Management Office (CTTMO) ang nasabing pride lane at nilinaw na hindi nila inaprubahan ang request ng Sanguniang Kabataan patungkol dito dahil kailangan pang isangguni sa kanilang board.

SAN Julian pride lane eastern samar
San Julian, Eastern Samar pride lane

Samantala, inako naman ni Barangay Lapu-Lapu Sangguniang Kabataan Chairman Paolo Rodriguez ang responsibilidad pero iginiit na wala silang masamang intensyon.

Kasabay nito humingi na rin ng tawad sa DPWH at CTTMO si Rodriguez.