Naniniwala ang isang Makabayan lawmaker na ang malakihang peace rally ng Iglesia ni Cristo ay paraan umano para pagtakpan ang pananagutan ni Vice President Sara Duterte sa isyu ng katiwalian.
Reaksiyon ito ni ACT Teachers Partylist Representative at House Deputy Minority Leader France Castro sa peace rally ng Iglesia ni Cristo ngayong araw.
Sinabi ni Castro, planado ang malakihang pagtitipon para protektahan ang Pangalawang Pangulo sa alegasyon ng kuwestiyunableng paggamit ng 2022 at 2023 confidential funds ng OVP at Department of Education nuong si VP Sara pa ang kalihim.
Dagdag pa ni Castro ang timing ng rally ay sa harap ng resulta ng mga survey ng Social Weather Station at Pulse Asia.
Binigyang-diin ni Castro, walang rally ang makabubura sa katotohanan na managot ang mga opisyal ng gobyerno sa kanilang mga ginawa.
Anya, ang malaking porsiento ng sumusuporta sa impeachment base sa SWS survey ay humihingi ng hustisya at pananagutan, hindi “political theatrics”.
Dagdag ni Castro, walang tunay na kapayapaan kung walang hustisya.