-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nakatakdang isagawa ang kilos protesta ng grupo ng indigenous people from Cordillera na inorganiza ng St. Mark Parish ng Episcopal Church of the Philippines Santiago City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Fr. Mario Madanom, parish priest ng St. Mark Parish ng Episcopal Church of the Philippines na isa sa mga isyu na nais nilang isigaw at ilatag ay ang pagtuligsa sa epekto ng Rice Tarrification Law sa mga magsasakang Cordillerans na nasa Isabela.

Aabot sa halos 1,000 at 500 magsasaka ang inaasahang makikiisa sa kilos protesta.

Nagsimula ang parada sa umaga na magtatapos sa simbahan sa Namnama, Batal, Santiago City kung saan gaganapin ang kanilang programa.

Nais nilang ipanawagan na ma-repeal ang Rice Tarrification Law dahil sa masama umanong epekto sa mga magsasaka.

Ayon kay Fr. Madanom, naraming magsasaka ang nagrereklamo at humihingi ng tulong kung paano nila ipahayag ang pagtutuol sa pagpapatupad ng nasabing batas.

Inanyayahan nila sa kanilang programa sina Mayor Joseph Tan ng Santiago City, Rep. Alyssa Sheena Tan, Governor Rodito Albano, Vice Governor Bogie Dy at DA Secretary William Dar.