Nilinaw ni Atty. Israelito Torreon, abogado ni Pastor Apollo Quiboloy, na hindi pa ngayon maisasagawa ang naipanawagan nilang malaking rally at pag-martsa ng mga tagasuporta ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Ayon kay Torreon sa panayam ng Bombo Radyo, naka-focus ang mga followers ni Quiboloy sa mga kaganapan sa Davao City, kung saan sinalakay sila ng libu-libong tauhan ng PNP Region 11, para magsilbi ng warrant of arrest.
Gayunman, tiyak umanong itutuloy ito sa mga susunod na araw upang ilahad ang kanilang saloobin at panawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatigil na ang panggigipit sa mga followers ng nagtatagong pastor.
Maging sa Estados Unidos ay nanawagan ng people power ang Maisug group para umano kondenahin ang itinuturing nilang overkill na pagsalakay sa KOJC compound.
Pero depensa ng pulisya, nagpapatupad lang sila ng kautusan mula sa korte, kung saan maraming kasong kinakaharap si Quiboloy.
Kabilang na ang sex-related offenses, human trafficking at labor violations.