-- Advertisements --
NAGA CITY – Mas nagiging agresibo na umano ang mga protester ngayon sa Hong Kong habang nawawalan na rin ng kontrol ang mga otoridad kontra sa mga ito.
Sa report ni Bombo international correspondent Ricky Sadiosa, iniulat nitong maraming mga kabahayan, simbahan at paaralan ang apektado.
Ilan sa mga establisyemento at mga pagmamay-ari ng China ang sinusunog din ng mga raliyesta.
Kaugnay nito, nagsara na aniya ang ibang mga tindahan at negosyo sa lugar.
Ayon kay Sadiosa, inaasahang magpatuloy pa ang nasabing pag-aalsa hanggang sa araw ng Huwebes o Biyernes ngayong linggo.
Ngunit sa kabila ng lumalalang kaguluhan, nanindigan pa rin aniya si Chief Executive Carrie Lam na hindi masusunod ang anuman na kagustuhan ng mga raliyesta sa Hong Kong.