-- Advertisements --
image 511

Magsisimula na ang Ramada sa Pilipinas sa Marso 23, araw ng Huwebes.

Ayon kay Abdulrauf Guialani, Bangsamoro jurist at deputy mufti, ito ay base na rin sa moonsighting.

Mayroon umanong grupong nag-perform sa ibinigay sa kanilang gawin at ang resulta ng moonsighting ay ang mooncrescent ay hindi namataan.

Dahil dito, nagdesisyon ang Bangsamoro Darul Ifta na ang pagsisimula ng Ramadan sa Marso 23.

Ang petsa ng pagsisimula ng Ramadan ay depende sa iba’t ibang bansa dahil ito ay base sa lunar sighting sa kada lugar.

Ang Ramadan, ang ika-siyam na buwan ng Islamic calendar ay inoobserbahan ng nasa 1.7 billion Muslims sa buong mundo sa pamamagitan ng fasting at pagdarasal.

Sa tuwing holy month, ang mga Muslim ay hindi kumakain at umiinom mula pagsikat hanggang paglubog ng araw.

Pero mayroon naman itong exceptions lalo na ang mga mayroong problema sa kalusugan.