Magsisimula sa Marso 2, 2025 ang Holy Month of Ramadhan.
Inanunsiyo ito ni Bangsamoro Grand Mufti and Executive Director of the Bangsamoro Darul-Ifta’ (BDI), Sheikh Abdulrauf Guialani matapos ang ginawang moon sigthings.
Ayon kay Grand Mufti Guialani na base sa tradisyon ng Islam na kapag hindi gaanong maaninag ang crescent moon at ang kasalukyyang lunar month ay nakumpleto sa 30 araw kaya magsisimula na ang Ramadhan Fasting 2025 sa araw ng Linggo.
Ang moon sighting o hilal sighting ay mahalagang practice sa Islam na nagdedetermina ng pagsisimula ng bagong lunar month.
Mahalaga ang nasabing moon sighting sa tradisyon ng Islam para matiyak ang accurate na pag-obserba ng Ramadhan na layong pagkaisahin ang mga muslim.
Magsasagawa ng fasting at sabay na pagdarasal ang mga kapatirang Islam para sa pag-obserba ng Ramadhan.