-- Advertisements --
Mariing pinabulaanan ng negosyanteng si Ramon Ang na iniindorso niya si Senator Manny Pacquiao na tumakbo sa pagkapangulo ng bansa pagdating ng 2022.
Reaksyon ito ng CEO ng San Miguel Corp. na maraming tao ang nagsabing inindorso niya si Pacquiao sa pagkapangulo sa 2022.
Naniniwala ito na mahalaga pa rin kung sino ang nakatakdang iindorso ni Pangulong Rodrigo Duterte darating na halalan.
Magugunitang ibinunyag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na posibleng iindorso ng pangulo sina Manila Mayor Isko Moreno, dating Sen. Bongbong Marcos at Sen. Manny Pacquiao na tumakbo sa pagkapangulo sakaling umatras sina Davao City Mayor Sara Duterte at Sen. Bong Go.