-- Advertisements --

Bahagyang bumagal ang takbo ng bagyong Ramon habang nasa silangan ng Southern Luzon.

Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 355 km sa silangan ng Legazpi City, Albay o 300 km sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Narito ang tropical cyclone signal warning:

Signal number two (2):
Catanduanes

Signal number one (1):

Camarines Norte
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Eastern Samar
Northern Samar