-- Advertisements --

Bahagyang nabawasan ang lakas ng hangin ng severe tropical storm Ramon, matapos itong mag-landfall sa Sta. Ana, Cagayan kaninang madaling araw.

Huling namataan ang sentro ng bagyong Ramon sa Baggao, Cagayan.

Kumikilos ito nang patimog kanluran sa bilis na 10 kph.

Taglay ng sama ng panahon ang lakas ng hangin na 100 kph at pagbugsong 165 kph.

Signal No. 2:

Batanes, Cagayan including Babuyan Islands, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur

Signal No. 1:

Northern portion of Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Divilacan, Quirino, Roxas, Mallig, San Manuel, Burgos, Gamu at Ilagan City), Mountain Province, Benguet, Ifugao, La Union at Pangasinan

Samantala, nagtaas na rin ng tropical cyclone wind signal number one (1) para sa bagyong Sarah sa mga sumusunod na lugar:

Eastern portion ng Cagayan (Aparri, Baggao, ALcala, Gattaran, Lal-lo, Tuguegarao City, Penablanca, Iguig, Amulung, Santa Teresita, Camalaniugan, Santa Ana, Gonzaga, Buguey, Ballesteros at Calayan); northeastern portion ng Isabela (Divilacan, Tumauini, Cabagan, Maconacon at San Pablo

Huling namataan ang sentro ng tropical depression Sarah sa layong 515 km sa silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes o 760 km sa silangan ng Infanta, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 25 kph.