-- Advertisements --
Bahagyang humina ang hanging dala ng tropical storm Ramon sa nakalipas na mga oras.
Pero nananatili pa ring banta sa low lying areas ang dala nitong ulan dahil sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Ayon kay Pagasa forecaster Alczar Aurelio, maaaring mangyari ang landfall sa Cagayan sa araw ng Linggo o Lunes.
Huling namataan ang sentro nito sa layong 460 km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.
Signal No. 1:
Eastern portion of Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-lo, Gattaran, Baggao at Peñablanca)
eastern portion of Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan at Dinapigue)
at Northern Aurora (Dilasag, Casiguran at Dinalungan)