Posibleng lumakas pa ang bagyong Ramon bago ang landfall sa probinsya ng Cagayan mamayang gabi.
Ayon kay Benison Estareja ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 160 km silangan hilagang silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
Signal number two:
Cagayan (kasama na ang Babuyan Islands), northern portion ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini at Divilacan), Apayao, Kalinga at northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Burgos, Bangui, Dumalneg at Adams)
Signal number one:
Batanes, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Mountain Province, Ifugao, Northern Aurora (Dilasag, Casiguran at Dinalungan) at nalalabing parte ng Isabela