Lalo pang lumakas ang bagyong Ramon kaya itinaas ito sa typhoon category sa nakalipas na mga oras.
Ayon kay Pagasa forecaster Meno Mendoza, napakabagal nang naging pagkilos ng bagyo kaya maging ang landfall na inaasahan kagabi ay ngayong araw na mangyayari.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 120 km sa silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na 120 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 150 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
Signal No. 3:
Northern portion of Cagayan (Santa Praxedes,
Claveria
Sanchez Mira
Pamplona
Abulug
Ballesteros
Aparri
Calayan
Camalaniugan
Buguey
Santa Teresita
Gonzaga
at Santa Ana)
Signal No. 2:
Batanes
Apayao
Kalinga
Abra
Ilocos Norte
Ilocos Sur
at natitirang parte ng Cagayan
Signal No. 1:
Northern portion of Isabela (Sta. Maria
San Pablo
Maconacon
Cabagan
Sto. Tomas
Quezon
Delfin Albano
Tumauini
Divilacan
Quirino
Roxas
Mallig
San Manuel
Burgos
Gamu and Ilagan City)
Mountain Province
Benguet
Ifugao
La Union
Pangasinan
Samantala, kaninang madaling araw ay pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng ating bansa.
Inaasahang magiging bagyo ito sa loob ng 24 oras.