-- Advertisements --
Lalo pang lumakas ang tropical storm Ramon sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa kay Pagasa weather specialist Benison Estareja, maaaring mangyari mamayang gabi ang landfall ng bagyo sa lalawigan ng Cagayan.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 210 km sa silangan hilagang silangan ng Casiguran, Aurora o 225 km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 10 kph.