-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang lakas ng bagyong Ramon sa nakalipas na mga oras, habang nagbabanta sa Northern Luzon.

Ayon kay Pagasa forecaster Meno Mendoza, maaaring mag-landfall ito bilang tropical storm sa Cagayan-Isabela area, bago hihina bilang tropical depression, kapag tumama na sa Sierra Madre mountains.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 445 km sa silangan hilagang silangan ng Casiguran, Aurora.

May lakas itong 75 kph at may pagbugsong 90 kph.

Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis na 15 kph.

Signal No. 1:
Southeastern portion ng Cagayan (Peñablanca and Baggao)
Eastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Dinapigue and Maconacon)
Northern Aurora (Dilasag, Casiguran at Dinalungan)
at Polillo Islands