Bahagyang lumakas pa ang bagyong Ramon habang tinatahak ang Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa may 220 kilometers East Northeast ng Casiguran, Aurora.
May lakas ng hangin nito ng hanggang 75kph at pagbugso ng hanggang 90 kph.
Itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal number 2 sa Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, northern Isabela na kinabibilangan ng Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfino Albano, Tumauini at Divilacan.
Nakataas naman ang signal number 1 sa Batanes, Ilocos Norte, Abra, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Northern Aurora kabilang na ang Dilasag,
Casiguran at Dinalungan at ang natitirang bahagi ng Isabela.
Mapanganib din aniya ang paglayag sa mga karagatan ng mga maliliit na uri ng sasakyang pangdagat.