-- Advertisements --

Kinansela na ngayong taon ang presentation ng Ramon Magsaysay Award dahil sa coronavirus pandemic.

Sa inilabas na pahayag ng Board of Trustees ng foundation, na ito na ang kanilang naiisip na paraan at inisip na rin nila ang kaligtasan ng mga kalahok at mga manonood.

Naging mahirap din ang nasabing desisyon sa kanilang panig dahil hindi matutunghayan ngayon taon ang presitisyosong award giving body.

Mula noong nagsimula ang award giving body noong 1958 ay pangatlong beses pa lamang itong nakansela na ang una ay noong 1970 dahil sa financial crisis at noong 1990 dahil sa lindol sa Luzon.